Linggo, Marso 2, 2014

ZAMBALES

   ZAMBALES

Ang Zambales ay matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Iba ang Kabisera nito. Ang Zambales ay nasa hanggahan ng Pangasinan pa- hilaga, ng Tarlac at Pampanga pa- silangan, ng Bataan pa- timog. Ang Zambales ay nakahimlay sa pagitan ng Dagat Timog Tsina at Bundok Zambales.Kilala ang lalawigan sa produkto nitong mangga, dahil isa ito sa matatamis na mangga sa buong mundo. Hitik na hitik ang prutas na ito sa lalawigan mulang Enero hanggang Abril. Ang mga naggagandahang beach resort dito ang dinarayo ng mga turista lalo na kung panahon ng tag-init 

 Heograpiya



Ang Zambales ay nahahati sa 13 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Zambales ang Botolan, Cabangan, Candelaria, Castilleejos, Iba, Masinloc, Palauig, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Marcelino, San Narciso, Santa Cruz at Subic. Olongapo ang nag-iisang lungsod nito. 


Pinagmulan 

Ang pangalang Zambales ay nagmula sa wikang Zambal na ang ibig sabihin ay "mapamahiin at sumasamba sa kaluluwa ng mga namatay na kamag-anak."
Ang mga Agta na nagmula sa Bundok Pinatubo ang mga unang nanirahan sa Zambales at di naglaon ay pinalitan sila ng mga Zambal na kilala sa pagiging mapamahiin at mapaniwalain. Sa ngayon ay magiliw pa rin nilang ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga Santo sa buong Zambales. 

Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng Zambales. Kabilang sa mga pangunahing produkto ang palay, mais at gulay. Pangingisda, pagsasaka at pagmimina ang kanilang ikinabubuhay.
Ang lugar ng Olongapo, na dating base ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos ay unti-unti nang umuunlad bilang sona ng industriyalismo at turismo sa pangangasiwa ng Subic Bay Metropolitan Authority. 

Wika

Tagalog ang nangingibabaw na wika sa Zambales at sinusundan ng Sambal at Ilokano. Ang Ingles ay ginagamit din ng karamihang naninirahan sa lalawigan.
  


MGA PRODUKTO NG ZAMBALES

MANGGA

Ang mangga (Ingles: mango) ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indiyan lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba't-ibang sangkap o pabango. 

PALAY


Ang palay (genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng tao sa buong mundo. Nababagay ang pagbubungkal ng palay sa mga bansang may mababang gastusin sa paggawa at maraming presipitasyon, dahil nangangailangan ito ng labis na paggawa at maraming tubig para sa irigasyon. Bagaman, maaaring tumubo kahit saan, kahit sa tabi ng matarik na burol. Ang palay ang ikatlong pinakamalaking pananim, pagkatapos ng mais at trigo.

MAIS

ang mais ay isa sa mga pangunahing pagkain natin mga tao dahil ito ay masagana sa bitamina at carbohydrates lalo na nakapagpagaling rin ito ng sakit,nakakatulong rin ito para maging smart ka at maging healthy.




 





MGA TANAWIN

CAPONES ISLAND


ANAWANGIN LANDSCAPE


CAMARA ISLAND


PUNDAQUIT WATERFALLS


POTIPOT ISLAND


MGA MAARING GAWIN SA NAPAKA GANDANG ZAMBALES


CAMPING AT ANAWANGIN

JEEPNEY RIDE
WATCHING FIRE DANCE
SURFING

MGA PAGDIRIWANG SA ZAMBALES


PAYNAUEN DUYAN FESTIVAL


BINABAYANI FESTIVAL


DOMOROKDOK FESTIVAL


FEAST OF INA POON BATO


MANGO FESTIVAL











PANGKAT 1
JOY B.GINES
MERYDENE PARAGAS
ANNE LIRAVIDA MASGONG
LALAINE MARASIGAN
JERSEY JOHN MONTERDE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento