ZAMBALES
Ang Zambales ay matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Iba ang Kabisera nito. Ang Zambales ay nasa hanggahan ng Pangasinan pa- hilaga, ng Tarlac at Pampanga pa- silangan, ng Bataan pa- timog. Ang Zambales ay nakahimlay sa pagitan ng Dagat Timog Tsina at Bundok Zambales.Kilala ang lalawigan sa produkto nitong mangga, dahil isa ito sa matatamis na mangga sa buong mundo. Hitik na hitik ang prutas na ito sa lalawigan mulang Enero hanggang Abril. Ang mga naggagandahang beach resort dito ang dinarayo ng mga turista lalo na kung panahon ng tag-init
Heograpiya
Pinagmulan
Ang pangalang Zambales ay nagmula sa wikang Zambal na ang ibig sabihin ay "mapamahiin at sumasamba sa kaluluwa ng mga namatay na kamag-anak."
Ang mga Agta na nagmula sa Bundok Pinatubo ang mga unang nanirahan sa Zambales at di naglaon ay pinalitan sila ng mga Zambal na kilala sa pagiging mapamahiin at mapaniwalain. Sa ngayon ay magiliw pa rin nilang ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga Santo sa buong Zambales.
Agrikultura ang pangunahing industriya ng Zambales. Kabilang sa mga pangunahing produkto ang palay, mais at gulay. Pangingisda, pagsasaka at pagmimina ang kanilang ikinabubuhay.
Ang lugar ng Olongapo, na dating base ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos ay unti-unti nang umuunlad bilang sona ng industriyalismo at turismo sa pangangasiwa ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Tagalog ang nangingibabaw na wika sa Zambales at sinusundan ng Sambal at Ilokano. Ang Ingles ay ginagamit din ng karamihang naninirahan sa lalawigan.
MGA PRODUKTO NG ZAMBALES
MANGGA
Ang mangga (Ingles: mango) ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indiyan lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba't-ibang sangkap o pabango.
PALAY
MAIS
ang mais ay isa sa mga pangunahing pagkain natin mga tao dahil ito ay masagana sa bitamina at carbohydrates lalo na nakapagpagaling rin ito ng sakit,nakakatulong rin ito para maging smart ka at maging healthy.
MGA TANAWIN
CAPONES ISLAND
ANAWANGIN LANDSCAPE
CAMARA ISLAND
PUNDAQUIT WATERFALLS
POTIPOT ISLAND
MGA MAARING GAWIN SA NAPAKA GANDANG ZAMBALES
CAMPING AT ANAWANGIN
JEEPNEY RIDE
WATCHING FIRE DANCE